DOH pinaigting ang active case finding para magamot ang mga pasyenteng may TB

DOH pinaigting ang active case finding para magamot ang mga pasyenteng may TB

Mas pinapaigting pa ng Department of Health (DOH) ang active case finding para mahanap ang mga pasyenteng may sakit na Tuberculosis o TB.

Ito ay para masiguro na nakukumpleto ang kanilang gamutan.

Mataas kasi ang treatment success rate (TSR) o ang tsansang gumaling kapag ang gamutan ay maagang nagawa at nakumpleto.

Ayon sa DOH, mahalaga ang taunang pagsusuri na magsisimula sa isang simpleng X-ray.

Ayon sa 2024 World Health Organization (WHO) Global Tuberculosis (TB) Report, ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng TB.

Nasa Pilipinas ang 6.8% ng kabuuang bagong kaso bawat taon ng TB sa buong mundo.

Sa nasabing ulat ng WHO, tinatayang nasa 739,000 na Pilipino ang nagkasakit ng TB noong 2023; ngunit, 575,770 lamang ang naiulat sa Integrated TB Information System (ITIS) ng DOH.

Nangangahulugan ito na maraming pasyenteng may TB ang hindi pa naitatala, at hindi pa nagagamot.

Layunin ng DOH na mapababa ang bilang ng mga bagong kaso ng TB kada taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *