Embahada ng Pilipinas sa Korea nagpaabot ng pakikiramay sa mga apektado ng wildfire

Nagpaabot ng pakikiramay ang Embahada ng Pilipinas sa mga pamilya ng mga nasawi sa wildfire sa Southeastern Region ng Korea.
Sa inilabas na pahayag ng Philippine Embassy in Korea, nagpaabot din ng pakikiramay sa mga nawalan ng ari-arian,
Umaasa din ang embahada na agad mapipigilan ng wildfire.
Una nang pinayuhan ng embahada ang mga Pinoy na nasa kalapit na lugar na maging maingat at makinig sa abiso ng mga otoridad.
Pinapayuhan din ang mga Pilipino na subaybayan ang mga kaganapan at mga abiso mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng “Emergency Ready App” ng Korea Ministry of Interior and Safety.
Kabilang sa apektadong lugar ang Ulsan, North Gyeongsang Province, at South Gyeongsang Province, pati na rin ng isang special disaster zone sa Sancheong County. (DDC)