Our Lady of Light na obra ni Fernando Amorsolo, ipinadedeklara bilang National Cultural Treasure

Our Lady of Light na obra ni Fernando Amorsolo, ipinadedeklara bilang National Cultural Treasure

Hiniling ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa publiko na makilahok at ilahad ang opinyon sa kahilingang maideklara lang “National Cultural Treasure” ang painting na “Our Lady of Light” o “Inang Santissima ng Kaliwanagan”.

Ang nasabing obra ay ipininta ni national Artist for Visual Arts Fernando Amorsolo.

Ayon sa NCCA, naghain ng petisyon ang Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light sa Cainta, Rizal para hilinging maideklara bilang isang “National Cultural Treasure” ang naturang obra.

Maaaring magsumite ng komento at posisyon ang publiko hinggil sa inihaing petisyon hanggang sa April 11.

Bisitahin lamang ng link na https://tinyurl.com/NCCANCT-OurLadyofLight.

Ang orihinal na painting ng Our Lady of Light na dinala sa Pilipinas galing Italy ay nasira nang masunog ang simbahan sa Cainta noong panahon ng Filipino-American War taong 1899.

Noong 1950, hiniling ng parish proiest noon sa Cainta kay Amorsolo na gumawa ng panibagong painting ng Our Lady of Light. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *