TRABAHO Partylist pinuri ang proyektong Iloilo Nego-Kart

TRABAHO Partylist pinuri ang proyektong Iloilo Nego-Kart

Sa isang panayam, pinuri ng TRABAHO Partylist ang Department of Labor and Employment at pamahalaan ng Lungsod ng Iloilo sa pagkakaloob ng negosyo karts o nego-karts sa 133 katao.

Sinabi ni Atty. Mitchell Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, na ang inisyatiba ay isang mahalagang hakbang upang matulungan ang mga walang hanapbuhay na malampasan ang mga pinansyal na hamon, at magbibigay-daan sa kanila upang makapagsimula ng kanilang maliliit na negosyo.

Sang-ayon din sa kanilang plataporma na mabigyan ng upskilling opportunities ang mga Pilipino, ikinatuwa rin ng TRABAHO na ang mga nakatanggap ng nego-karts ay isinailalim rin sa libreng training sa food handling upang masiguro na ang kanilang mga ibebenta ay ligtas para sa mga mamimili.

Dagdag pa ni Atty. Espiritu, “kung maipatutupad lamang po ng buo ang Magna Carta [for Informal and Ambulant Vendors], magkakaroon ng mas magandang access ang mga maliliit na nagtitinda sa social security, healthcare, at iba pang benepisyo na matagal nang hindi nila nararanasan dahil hindi pormal na estado ng kanilang trabaho.”

Bilang bahagi ng kanilang adbokasiya, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang kanilang pagnanais na palawakin ang mga ganitong inisyatiba sa iba pang mga lalawigan sa buong bansa, lalo na sa mga rehiyon kung saan ang micro- at small enterprises ay may malaking bahagi sa lokal na ekonomiya.

“Hindi lang po kapital ang ipaglalaban ng TRABAHO Partylist kundi mga sistemang magbibigay ng pantay-pantay na pagkakataon para sa mga informal workers- na siya ring mapabuti ng kanilang kabuhayan at makamtan ang mas mataas na antas ng social protections,” diin ng tagapagsalita.

Sa huling Stratbase-SWS pre-election survey, ang TRABAHO, bilang 106 sa balota, ay tinatayang makakapasok sa Kongreso matapos nitong tumaas nang tumaas sa ikaw-26 na pwesto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *