Chinese na nag-viral sa pagsipa sa isang pusa sa Makati, naaresto ng BI

Chinese na nag-viral sa pagsipa sa isang pusa sa Makati, naaresto ng BI

Inaresto ng intelligence officers ng Bureau of Immigration (BI) ang lalaking Chinese na nag-viral kamakailan matapos makuhanan ng video na sinipa ang isang pisa sa Ayala Triangle sa Makati City na kalaunan ay ikinasawi ng hayop.

Ang lalaki ay nakilalang si Jiang Shan, 32-anyos na dinakip sa Brgy. Palanan sa Makati matapos matuklasan na siya ay overstaying na sa bansa.

Sa record ng BI, dumating sa bansa si Jiang bilang turista noong May 2023, at simula Sept. 2023 ay hindi na ito nagpa-extend ng kaniyang visa.

Dinala ang dayuhan pasilidad ng ahensya sa Bicutan, Taguig at mahaharap siya sa deportation case.

Binalaan naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga dayuhan na irespeto ang abtas ng Pilipinas.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang gaya ng ginawa ni Jiang na pagsipa sa pusa.

Ang naturang pangyayari ang nagbunsod naman sa ahensya para busisiin ang kaniyang record at doon nakitang ilegal na ang pananatili niya sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *