Automated parking system sa NAIA T3, operational na

Automated parking system sa NAIA T3, operational na

Nagagamit na ang automated parking system sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa New NAIA Infra Corp. (NNIC), mas convenient na para sa mga pasahero at bisita ang parking system sa Terminal 3 matapos ipatupad ang automation simula noong March 1.

Simula naman sa Abril maglalagay ng real-time parking slot displays sa
Terminal 3.

Habang gagawin din ito sa Terminals 1 at 2 sa buwan ng Mayo.

Sa pamamagitan nito, makikita na ng mga motorista ang available na parking spaces bago sila pumasok.

Sa ngayon, cash payments lamang ang tinatanggap sa parking area pero simula sa March 14, 2025, magkakaroon na ng multiple payment options kabilang ang GCash, PayMaya, debit, at credit cards.

Sa ilalim ng bagong sistema, ang mga sasakyan na papasok sa unmanned entrances, ay makatatanggap ng automated ticket at sa kanilang paglabas ay gagamit ng QR code-based system.

Target din ng NNIC na simula July 2025 ay magkakaroon na ng autopay stations sa lahat ng terminal sa NAIA. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *