DOLE ipinaalala sa mga employer ang pagpapatupad ng mga hakbang para maiwasan ang heat stress sa mga manggagawa

DOLE ipinaalala sa mga employer ang pagpapatupad ng mga hakbang para maiwasan ang heat stress sa mga manggagawa

Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ang Labor Advisory nito na naglalaman ng polisiya na maaaring ipatupad sa workplaces kapag matindi ang init ng panahon.

Sa ilalim ng Labor Advisory No. 8 series of 2023, inirerekomenda ng DOLE ang mga hakbang na maaaring gawin para maiwasan ang heat stress sa mga manggagawa.

Ito ay lalo na kung ang uri ng trabaho ay mayroong matinding heat exposure.

Paalala ng DOLE, dapat siguruhin na may sapat na ventilation at heat insulation sa workplaces.

Inirekomenda din ng DOLE ang pag-adjust sa rest breaks o work locations; payagan ang mga empleyado na gumamit ng temperature-appropriate uniforms at personal protective equipment; at bigyan sila ng libreng sapat na inuming tubig.

Nakasaad din sa nasabing Labor Advisory ng DOLE ang rekomendasyon na i-adopt ang pagkakaroon ng flexible work arrangements kung matindi talaga ang init ng panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *