14 na biktima ng human trafficking nailigtas ng NBI

Nasagip ng mga otoridad ang labing-apat na biktima ng humang trafficking kabilang ang walong menor de edad, matapos silang tangkaing ipuslit patungong Malaysia mula sa Zamboanga City.
Pinangunahan ni Assistant City Prosecutor Alfredo E. Jimenez, Jr. ang Zamboanga Sea-Based Anti-Trafficking Task Force (ZSBATTF) ang ikinasan rescue operation.
Arestado naman ang dalawang suspek na kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) – Western Mindanao.
Ayon sa BI, kilalang human trafficker ang isa sa mga suspek at dati na rin niyang nabiktima ang ilan sa mga nasagip.
Bilang modus, ginagamit nila ruta sa Visayas at Mindanao at pinapangakuan ang mga biktima ng trabaho na may malaking sweldo sa Malaysia at binigyan sila ng mga pekeng dokumento.
Ang mga nailigtas na biktima ay inendorso sa DSWD upang mabigyan ng kaukulang tulong pinansyal at tulong para makabalik sila sa kanilang mga tahanan at komunidad. (DDC)