Saltwater crocodile na may habang 7.5-foot natagpuan sa Alabel, Sarangani

Saltwater crocodile na may habang 7.5-foot natagpuan sa Alabel, Sarangani

Isang buwaya na may habang 7.5-foot ang nailigtas ng mga otoridad sa Alabel, Sarangani.

Ang male saltwater crocodile ay nakita sa Barangay Kawas, ng mga tauhan ng Sarangani Provincial Wildlife Quick Response Team (SPWQRT) matapos tumawag ang isang residente sa lugar.

Isinailalim muna sa assessment ang buwaya ni DENR 12 veterinarian Dr. Roy Mejorada at nakumpirmang maayos naman ang kondisyon nito.

Dinala pansamantala ang buwaya sa DENR-accredited rescue center sa Davao para sa monitoring.

Simula noong August hanggang September 2024 ay madalas napapaulat na may namamataang saltwater crocodile sa Sarangani Province.

Dahil dito ay nagsagawa na ng gabi-gabing crocodile patrols ang mga tauhan ng Provincial Environment and Natural Resources-Protected Area Management Office – Sarangani Bay Protected Seascape (PAMO-SBPS), naglagay din ng 23 reflector signs kung saan madalas mamataan ang mga buwaya at nagsagawa ng information, education, and communication (IEC) campaigns sa mga coastal communities. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *