BSP pinag-iingat ang publiko sa e-mails at text message mula sa nagpapanggap na mga kinatawan ng bangko

BSP pinag-iingat ang publiko sa e-mails at text message mula sa nagpapanggap na mga kinatawan ng bangko

Pinag-iingat ng Bangko Sentral Pilipinas (BSP) ang publiko sa mga natatanggap nilang e-mails at text message mula sa nagpapanggap na mga kinatawan ng bangko.

Ayon sa BSP, kailangang suriing mabuti ang mga natatanggap na mensahe kabilang ang spelling, grammar at ginagamit na punctuation.

Paalala ng BSP, makipagtransaksyon lamang sa opisyal na channel ng mga bangko at e-money issuers.

Kung sakaling nakompromiso ang account, agad itong i-report sa bangko sa kanilang opisyal na channel. (DDC)

Maaari ding i-report ang mga scammer sa DICT Cybercrime Investigation and Coordinating Center at PNP Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *