Mas mahigpit na implementasyon ng AKAP tiniyak ng DSWD; pangalan ng mga benepisyaryo isasapubliko

Siniguro ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian nas mas hihigpitan pa ang implementasyon ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Ayon kay Gatchalian, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at National Economic Development Authority (NEDA) mas hihigpitan ang guidelines at titiyakin na may safety nets para hindi maaabuso ang AKAP.
Ang inilatag na bagong guidelines ay sumasailalim na ngayon sa review ng Office of the President (OP) at ng Department of Budget and Management (DBM).
Kasama sa napagkasunduang gawin ay ang pagsasapubliko ng pangalan ng mga benepisyaryo na makatatanggap ng tulong sa ilalim ng AKAP.
Hindi rin papayagan ang mga pulitiko at hindi dapat sila maglagay ng kanilang tarpaulin kapag nagsasagawa ng AKAP payout activities.
Para kay Gatchalian, nais niyang maipagpatuloy ang programa lao at umabot na sa mahigit apat na milyon ang natulungan nito noong nakaraang taon. (DDC)