Laguna 4th Dist. Rep Agarao naghain ng reklamo sa Comelec; isinawalat ang pagkakasangkot ng katunggaling si Antonio Carolino sa manipulasyon ng balita

Laguna 4th Dist. Rep Agarao naghain ng reklamo sa Comelec; isinawalat ang pagkakasangkot ng katunggaling si Antonio Carolino sa manipulasyon ng balita

Pormal nang inihain ni Laguna Fourth District Representative Maria Jamina Katherine Agarao ang kanyang reklamo sa Commission on Elections (COMELEC) laban sa umano’y malawakang manipulasyon ng mga balota sa ikaapat na Distrito ng Laguna matapos ang halalan.

Sa kanyang reklamo, may nakita umanong Violation ang HRET laban kay Antinio Carolino kaya’t isiniwalat ni Agarao na may binagong pisikal na balota sa 16 na clustered precincts sa Santa Maria, Laguna matapos ang opisyal na canvassing noong 2022.

Sa imbestigasyon ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET), natuklasan nilang may mga dagdag na marka sa mga balota—tila sinadyang bawasan ang boto ni Agarao at paboran ang kanyang katunggali na si Antonio Carolino.

Noong Enero 28, 2025, ibinasura ng HRET ang protesta ni Carolino at muling pinagtibay ang panalo ni Agarao bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Laguna. Bukod dito, iniendorso rin ng tribunal ang isang masusing imbestigasyon mula sa COMELEC, lalo na’t lumalabas na posibleng may pananagutan sina Santa Maria Mayor Ma. Rocelle Valdecantos Carolino at Municipal Treasurer Ma. Theresa Lontoc, na may hawak sa mga kahon ng balota nang mangyari ang umano’y dayaan.

Nanawagan si Agarao sa COMELEC na agad umaksiyon upang masuring mabuti ang mga alegasyong ito at tiyakin ang integridad ng halalan. Mahalaga ang paghahambing ng mga pisikal na balota sa kanilang digital na imahe upang matukoy ang lawak ng umano’y manipulasyon at maprotektahan ang boto ng mamamayan.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, inaasahan ang masusing pagsisiyasat ng COMELEC sa kaso. Kung mapapatunayang may sala ang mga sangkot, maaari silang maharap sa kasong kriminal, pagkakakulong, at diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang pampublikong posisyon.

Ang laban na ito ay hindi lamang tungkol sa isang kandidato—ito ay tungkol sa integridad ng halalan at karapatan ng bawat botanteng Pilipino na magkaroon ng malinis at tapat na eleksyon. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *