Undeclared foreign currencies nakumpiska sa isang papaalis isang Pinoy sa NAIA T1

Undeclared foreign currencies nakumpiska sa isang papaalis isang Pinoy sa NAIA T1

Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang mga hindi deklaradong foreign currencies mula sa isang pasahero na papaalis sana sa NAIA Terminal 1.

Ang nakumpiskang mga currency ay kinabibilangan ng 3,950,000 Japanese Yen (JPY), 20,000 Euro (EUR), at 8,500 Kuwaiti Dinar (KWD).

Hinarang ng customs personnel ang pasahero matapos makitang may kahina-hinalang laman ang hand-carried baggage nito nang sumailalim sa x-ray.

Ang pasahero ay isang Pinoy na aalis patungong Hong Kong.

Nang isailalim sa physical examination ang bag ay Nakita ang mga nakatagong pera na hindi idineklara ng pasahero.

Isinailalim sa inquest proceedings ang pasahero dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, Manual of Regulations on Foreign Exchange Transactions, Republic Act No. 7653 o The New Central Bank Act, at Republic Act No. 9160 o Anti-Money Laundering Act. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *