Dagdag-sahod para sa mga kasambahay sa CALABARZON, epektibo sa Mar. 7

Dagdag-sahod para sa mga kasambahay sa CALABARZON, epektibo sa Mar. 7

Epektibo na simula sa Mar. 7 ang dagdag-sahod para sa mga kasambahay sa CALABARZON o Region IV-A.

Ang Wage Order na nagbibigay ng dagdag-sahod na P750 hanggang P1,750 sa mga kasambahay sa rehiyon ay nasaipubliko na noong Feb. 19, 2025 kaya magiging epektibo na ito sa Mar. 7.

Sa ilalim ng kautusan, mula sa dating P6,000 ay magiging P6,750 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa mga Cities at First Class Municipalities sa Region IV-A.

Mula naman sa P5,000 ay magiging P6,750 na din ang buwanang sweldo ng mga kasambahay sa iba pang munisipalidad.

Sakop ng kautusan ang mga sumusunod na domestic workers sila man ay nasa live-in o live-out arrangement:

– general househelp
– yaya
– cook
– gardener
– laundry person
– at iba pa na ang trabaho ay may kaugnayan sa domestic work (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *