Guidelines para sa paggunita ng Ash Wednesday inilabas na ng Vatican

Guidelines para sa paggunita ng Ash Wednesday inilabas na ng Vatican

Naglabas na ng guidelines ang Vatican na susundin ng mga simbahan sa paggunita ng Ash Wednesday.

Ang Ash Wednesday ay pumatak ng February 17 ngayong taon.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang alituntunin ay inilabas ng
Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments.

Batay sa guidelines, inaatasan ang mga pari na hugasan ang kamay at magsuot ng face mask.

Ang abo ay ibubudbod sa ulo sa halip na ipapahid sa noo ng mga mananampalataya.

Kung kakayanin ay mas mainam na ang mga pari ang lalapit sa lugar ng mga mananampalataya kaysa sila ay papilahin.

Hindi rin sasambitin ang dasal na binabanggit ng pari o lay minister habang ipinapahid ang abo.

Sa halip, ayon sa Vatican, ibibigay na lang ang dasal ng sabayan sa lahat ng mananampalataya na dumadalo sa misa. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *