Problema sa laylayan tututukan ng “Pamilya ko Partylist” nang bumisita sa Quezon

Problema sa laylayan tututukan ng “Pamilya ko Partylist” nang bumisita sa Quezon

Nakadaupang palad ni Pamilya Ko Partylist Nominee Atty. Anel Diaz ang mga residente sa Lungsod ng Tayabas sa Lalawigan ng Quezon nang bumisita ito ngayong araw ng biyernes, February 21, 2025 upang malaman ang bawat pangangailangan na makita ang tunay na kalagayan ng mga nasa laylayan.

Kabilang sa mga inilatag ni Atty. Anel Diaz ang kanyang mga programa at mga panukalang batas na isusulong sa Kongreso na ang batas na Domestic Partnership Bill na magbibigay ng legal na pagkilala at proteksyon sa mga magkasintahang hindi kasal; Surrogacy Bill, na magbibigay ng malinaw na legal na proseso para sa pagsasagawa ng surrogacy sa bansa; at ang batas na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng mga anak, anuman ang kanilang estado bilang lehitimo o hindi lehitimo.

Bukod dito, binigyang-diin niya ang pangangailangang magpatibay ng batas na magbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa, lalo na sa mga nasa sektor ng informal employment. Aniya, ang kanyang pag-iikot sa iba’t ibang barangay ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang ipaglaban ang kapakanan ng mga pamilyang Pilipino sa Kongreso.

Ayon kay Atty. Diaz, mahalagang mabigyan ng sapat na suporta ang mga mahihirap na pamilya upang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay.

Isa rin sa mga pagtutuunan ng pansin ni Atty. Diaz kapag papalarin ang kanilang partylist sa kongreso ay tututukan ang mga batas na umiiral na mapangalagaan ang Kalikasan kabilang na dito ang Mount Banahaw na preserba ito ng maayos na hindi masalaula na matulungan din ang mga nasa paligid nito na biktima ng mga ilegal quarrying sa lugar at sa mga ilang bahagi nito. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *