Konstruksiyon ng CALAX Governor’s Drive Interchange nasa 40% completion, bubuksan ngayong 2025

Konstruksiyon ng CALAX Governor’s Drive Interchange nasa 40% completion, bubuksan ngayong 2025

Umaabot na sa 40 na porsiyento ang natatapos sa konstruksiyon ng Cavite-Laguna ( CALAX) Governor’s Drive Interchange na nakatakdang buksan sa ikalawang kalahati ng taon 2025.

Ito ay mayroong 8.64 na kilometrong bahagi na kumukonekta sa Silang (Aguinaldo) Interchange hanggang Governor’s Drive sa General Trias, Cavite na lalong magpapaganda sa mobilidad at paluluwagin ang kasikipan sa rehiyon.

Kapag bukas na ang operasyon nito, ang bagong segment o bahagi nito ay pagagandahin ang koneksiyon ng CALAX para magbigay ng mas mabilis, at tuluy-tuloy na biyahe patungong General Trias at mga karatig-lugar.Mapapagaan din nito ang trapik sa Governor’s Drive at Aguinaldo Highway.

“We are committed to completing the entire stretch of CALAX by 2025. Its full opening will not only ease traffic and improve connectivity but also support economic growth by enhancing access to key areas in Cavite and Laguna,” sabi ni Bb. Elnora D. Rumawak, Officer-in-Charge ng MPCALA Holdings Inc.

Samantala nagpapatuloy ang konstruksiyon natitirang bahagi kasama na ang Subsection 1 (Kawit Interchange) na higit 31% nang kumpleto at Subsection 2 (Open Canal Interchange) na nasa 21.9% n ng naatatapos dito.

Kung makukumpleto na ito, ang CALAX ay magiging 45 na kilometrong haba nito magmula Mamplasan Rotunda sa Laguna hanggang Kawit, Cavite, na pagsamahin ang mga pangunahing expressways upng magbigay ng walang patid na koneksiyon sa pagitan ng Cavite, Laguna, at Metro Manila.

Itatampok ng expressway ang kabuuang walong interchanges na kinabibilangan ng Laguna Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road, Silang East, Silang (Aguinaldo), Governor’s Drive, Open Canal, at Kawit Interchange.

Ang CALAX ay kokonekta sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa Kawit upang magbigay ng mas maayos na rota sa mga motorista na bibiyahe sa pagitan ng Cavite, Laguna, at Metro Manila. Kapag fully operational na ang buong expressway, asahang seserbisyuhan nito ang 95,000 na sasakyan, malaki ang magiging hatid na pagbuti ng oras ng biyahe at palalaguin nito ang aktibidad ng ekonomiya sa rehiyon.

Nabatid na ang MPCALA Holdings Inc., concessionaire ng Cavite-Laguna Expressway, ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation. Bukod sa CALAX kasamanrin sa domestic portfolio ng MPTC ang Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *