Hakbang kontra dengue, ipinapatupad ng BuCor

Hakbang kontra dengue, ipinapatupad ng BuCor

Bilang tugon sa nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, nagpapatupad ng mga pag-iingat ang Bureau of Corrections (BuCor) upang pangalagaan ang kalusugan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) at mga tauhan ng ahensiya.

Inihayag ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang kanyang adhikain sa ganitong inisyatiba sa pamamagitan ng pag-apruba sa mga rekomendasyong inilatag ni CT/CSupt Ma Cecilia Villanueva, OIC-Deputy Director General for Reformation and Director for Health and Welfare Services.

Sa ilalim ng paggabay ni Villanueva, ang mga hepe ng Health Service mula sa iba’t ibang pasilidad ay inatasang malapit na imonitor ang anumang senyales ng dengue, magpatupad ng matatag na preventive actions, at tiyakin na agad na mairereport sa lokal na otoridad ang anumang kumpirmadong mga kaso.

Sa hakbang na mapadali ang mga hakbang ng pagtugon, ag mga Health Service Chiefs ay inatasan din magreport ng anumang kaso ng dengue sa loob ng 24-oras upang siguruhing npapanahong matugaygayan at matugunan ito.

“The recent surge in dengue cases underscores the importance of implementing preventive measures to minimize the potential for disease transmission within our facilities and workspaces,” diin ni Catapang.

Ang pahayag na ito ng BuCor chief ay kasunod ng report mula sa Department of Health (DOH) na umabot sa 28,234 na kaso ng dengue ang naitala mula Enero 1 hanggang Pebrero 1 kung saan mayroong walong local government units (LGUs) ang nakapagtala ng 40 porsiyentong pagtaas kumpara sa parehong panahon noong 2024.

Sa pamamagitan ng mapanuring mga hakbang, ninanais ng BuCor na protektahan ang kanyang komunidad at maiwasan ang ang pagkalat ng ganitong seryosong banta sa kalusugan ng publiko.

Samantala walang naitalang kaso ng dengue ang BuCor simula noong 2024 hanggang sa kasalukuyan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *