Klase sa UP Diliman suspendido sa Feb. 25 para gunitain ang EDSA People Power Anniversary

Suspendido ang klase sa University of the Philippines Diliman (UPD) sa February 25 na anibersaryo EDSA People Power Revolution.
Sa memorandum ni UPD Chancellor Edgardo Carlo Vistan II, suspendido ang face-to-face classes, synchronous, asynchronous at iba pang modes of learning sa unibersidad sa nasabing petsa.
Ayon sa memorandum, ang Feb. 25 ay gagawing Alternative Learning Day sa UP para ang mga miyembro ng kanilang komunidad ay magkaroon ng pagkakataon na makalahok sa mga aktibidad sa paggunita sa EDSA People Power Anniversary.
Ang mga administrador, faculty, at admin staff ay maaaring humingi ng special work arrangement sa kanilang supervisor o department chair na kailangang aprubahan ng kanilang unit head.
Pinayuhan naman ni Vistan ang mga unit head na payagan ang kanilang mga staff na makilahok sa ga aktibidad.
Magugunitang hindi idineklarang holiday ng Malakanyang ng Feb. 25 na anibersaryo ng EDSA Peopla Power na nagpatalsik sa pwesto kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. (DDC)