Paalala ng DOH sa publiko, agad magpakonsulta sa ikalawang araw ng lagnat para maiwasan ng severe dengue

Kasabay ng pagtaas kaso ng dengue sa bansa, hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na agad magpakonsulta sa unang dalawang araw ng lagnat.
Payo ng DOH kung dalawang araw na ang lagnat ay kailangan ng agad magtungo sa pinakamalapit na health center.
Ito ay upang hindi na umabot pa sa malalang kaso ng dengue.
Ang mga sintomas na dapat bantayan sa dengue ay ang pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagdugo ng gilagid, dugo sa dumi, panghihina at pagdurugo ng ilong. (DDC)