Crime rate malaki ang ibinaba ayon sa PNP

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng insidente ng krimen sa bansa.
Ayon kay PNP chief Police General Rommel Francisco D. Marbil, sa 17 police regional offices sa buong bansa ay nakapagtala ng pagbaba sa overall crime rate.
Sa datos ng PNP, 26.76% ang pagbaba sa focus crimes kung saa mula sa 4,817 cases noong January 1 hanggang February 14, 2024, ay bumaba ito sa 3,528 cases sa parehong petsa ngayong 2025.
Kabilang sa focus crimes ang theft, robbery, rape, murder, homicide, physical injury, at carnapping ng motorcycles at motor vehicles.
Pinakamalaking ibinaba ang mga insidente ng rape na mula sa 1,261 cases noong nakaraang taon ay bumaba sa 623 cases.
Ayon kay Marbil ito ay dahil sa patuloy na enforcement efforts ng kapulisan kabilang ang heightened police visibility sa high-crime areas, mas pinaigting na intelligence at investigative operations laban sa criminal networks, at mas pinalawig na paggamit ng digital platforms.
Nakatulong din ayon kay Marbil ang social media para magpalaganap ng public awareness laban sa mga krimen. (DDC)