Nasawi sa sakit na dengue sa QC umakyat na sa 11

Umakyat na sa 11 ang naitalang nasawi sa Quezon City dahil sa sakit na dengue.
Ayon sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Division, nakapagtala na ng 1,899 na kaso g dengue sa lungsod mula Jan. 1 hanggang Feb. 17, 2025.
Nauna nang nagdeklara ng outbreak ng dengue sa lungsod.
Paalala ng QC LGU, ang dengue ay isang seryosong sakit lalo na kapag hindi naagapan.
Pinaalalahanan ang mga residente na maging responsable at sundin ang 5S Kontra Dengue:
Search & Destroy – Alisin ang mga naipong tubig sa loob at labas ng bahay
Self-Protection Measures – Gumamit ng insect repellent at magsuot ng mahahabang damit
Seek Early Consultation – Agad magpatingin sa doktor kung may sintomas ng dengue
Support Fogging/Spraying – Makibahagi sa community fogging kapag may outbreak
Sustain Hydration – Uminom ng sapat na malinis na tubig.
Hindi rin dapat na balewalain ang mga sintomas ng dengue katulad ng lagnat, pananakit ng ulo at tyan, at rashes. (DDC)