Pope Francis mayroong bilateral pneumonia; patuloy na sasailalim sa gamutan

Naglabas ng update ang Vatican sa kondisyon ng kalusugan ni Pope Francis.
Ayon sa Vatican News, may problema pa din sa kalusugan ng Santo Papa base sa resulta ng kaniyang laboratory tests at chest X-rays.
Naospital ang Santo Papa noong Biyernes dahil sa bronchitis.
Tumaas ang “polymicrobial infection na Nakita sa Santo Papa kaya kinailalangan siyang bigyan g corticosteroid at antibiotics.
Sa follow-up chest CT scan, lumitaw din na mayroon siyang bilateral pneumonia.
Sa kabila nito, sinabi ng Vatican na nananatiling “in good spirits” si Pope Francis.
Ayon sa pahayag ng Holy See Press Office, nakatatanggap ng Eucharist ang Santo Papa at ginugugol ang maghapon sa pagpapahinga, pagdarasal, at pagbabasa. (DDC)