Kasunod ng pagtaas ng kaso ng dengue, PhilHealth nagpaalala sa mas mataas na coverage para sa severe Dengue

Kasunod ng pagtaas ng kaso ng dengue, PhilHealth nagpaalala sa mas mataas na coverage para sa severe Dengue

Nagpaalala ang PhilHealth ang publiko hinggil sa as mataas a coverage nito para sa mga severe na kaso ng dengue.

Kasunod ito ng naitatalang pagtaas ng kaso ng sakit ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Ayon sa PhilHealth, mula sa dating P16,000 na coverage rate, itinaas na ito sa P47,000 ang coverage rate para sa severe dengue.

Ang coverage naman para sa mild dengue cases ay P19,500 na mula sa dating P10,000.

Ang bagong package rates para sa Dengue ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para patuloy na mapagbuti ang health insurance coverage ng mga miyembro ng PhilHealth.

Kahit may PhilHealth coverage, pinayuhan ni PhilHealth President and CEO Edwin M. Mercado ang publiko na maging maingat at agad magpakonsulta kapag nakaranas ng sintomas ng dengue. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *