OFW na may sakit sa Singapore inayudahan ng gobyerno

OFW na may sakit sa Singapore inayudahan ng gobyerno

Nagpasalamat si overseas Filipino worker (OFW) Ryan Senedrin, isang inhinyero sa Singapore na inatake sa puso noong Setyembre 2024 at pinutulan ng binti dahil sa komplikasyon sa sakit na diabetes, kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa Department of Migrant Workers (DMW) para sa tulong pinansiyal upang masakop ang kanyang gastusing medikal at paggaling nito.

Ang DMW sa pamamagitan ng kanyang Migrant Workers Office (MWO) sa Singapore ay nagkaloob ng ng 78,019.03 SGD galing sa AKSYON Fund para sa gastusin sa gamutan ng OFW sa Senedrin hospital.

Si Senderin ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya upang suporahan ang misis nito at tatlong anak.

Umaasa ang OFW na makakabalik siya sa kanyang trabaho sa buwan ng Mayo kapag gumaling at pangkalahatang nakarekober na ito sa sakit.

Tiniyak din ni Labor Attache Haney Lynn Siclot kay Senedrin ang lahat ng tulong mula sa gobyerno para sa kanyang mabilis na paggaling. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *