6 suspek timbog sa Makati drug bust; P353K halaga ng shabu nakumpiska

6 suspek timbog sa Makati drug bust; P353K halaga ng shabu nakumpiska

Anim na suspek ang natimbog ng mga operatiba ng Makati City Police at nakumpiska ang tinatayang 52 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱353,600 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bangkal sa lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Alex,” 47-anyos; alyas “Isa,” 52-anyos; aliyas “Aron,” 24-anyos; alyas “Vangie,” 50-anyos; alyas “Uzman,” 48-anyos; at alyas “Cindy,” 48-anyos.

Sa operasyon na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pamumuno ni Maj Ryan B. Salazar at direktang superbisyon ni Col Jean I Dela Torre, hepe ng Makati CPS, inaresto ang mga suspek matapos bentahan ng droga nina alyas Alex at alyas Isa ang police poseur buyer na nagresulta ng kanilang agarang pagkaaresto kasama ang mga kasabwat.

Narekober ng otoridad ang dalawang cellphones, umano’y ilegal na droga, buy-bust money, at drug paraphernalia.

Nabatid na ang operasyon ay alinsunod sa mga direktiba nina BGen Anthony A. Aberin, Acting Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), at BGen Manuel J. Abrugena, District Director ng Southern Police District, bilang parte ng maigting na kampanya kontra ilegal na droga.

Inihahanda ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga suspek sa Makati City Prosecutor’s Office.

“Our unfaltering perseverance in eradicating illegal drugs in our communities is exemplified by this operation. We will persist in our efforts to hold those who participate in the illicit drug trade accountable and to intensify our efforts against them. Please take this as a warning that we will not compromise our efforts to ensure the safety of our communities,” sabi ni BGen Abrugena.

Naninindigan ang SPD sa kanyang misyon na labanan ang ilegal na droga at kaligtasan ng mga residente sa ppamamagitan ng walang tiginna pagpapatupad at pagsasagawa ng mga operasyon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *