LTFRB tatanggap na ng aplikasyon para sa special permit sa mga bus simula sa Feb. 24

LTFRB tatanggap na ng aplikasyon para sa special permit sa mga bus simula sa Feb. 24

Simula Feb. 24, 2025 ay tatanggap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng aplikasyon para sa special permit sa mga pampasaherong bus.

Ayon sa LTFRB, tatagal ang pagtanggap ng aplikasyon hanggang March 7, 2025.

Ang bisa ng Special Permit ay mula Apr. 13 hanggang 26.

Ang mga bus na makakakuha ng special permit ay papayagan na bumiyahe sa Holy week na labas sa kanilang itinakdang ruta.

Kailangan lamang isumite sa LTFRB ang mga karampatang requirements.

Nagbibigay ng special permit ang LTFRB taun-taon para ma-accommodate ang dami ng mga pasaherong bumibiyahe tuwing Semana Santa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *