Kaso ng dengue sa unang buwan ng taon umabot sa mahigit

Kaso ng dengue sa unang buwan ng taon umabot sa mahigit

Siyam na local government units (LGUs) ang binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue.

Kasama na dito ang Quezon City na nauna nang nagdeklara ng dengue outbreak.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Dr. Albert Domingo, ang 9 na LGUs ay nasa NCR, Region 3 at Region 4A.

Sinabi ni Domingo na hindi normal ang pagtaas ng kaso ng dengue sa unang isang buwan ng taon.

Karaniwan kasing mula Hunyo nakapagtatala ng pagtaas ng kaso ng dengue dahil sa nararanasang pag-ulan.

Ayon sa datos ng DOH, mula Jan. 1 hanggang Feb 1, 2025 ay umabot na sa 28,234 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa.

Ito ay mas mataas ng 40 percent kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon.

Sinabi ni Domingo na ang deklarasyon ng putbreak sa Quezon Citiy ay dahil ang bilang ng kaso ay lumagpas na sa pangkarinawang inaasahan na dami ng kaso sa bahagi ng taon.

Kasabay ng deklarasyon ng outbreak sa lungsod ang pagsasagawa ng communito clean-up drive, kampanya para paalalahanan ang mga residente na maging maingat at agad magpakonsulta kapag nakaranas ng sintomas.

Sinabi ni Domingo na bagaman walang lunas ang sakit na dengue, ang mga sintomas nito gaya ng lagnat ay nalulunasan at maiiwasan ang pagkasawi kung maaagapan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *