BSP nagbabala sa publiko laban sa mga scammer online

Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa mga scammer na gumagamit ng logo at pangalan nito online.
Ito ay matapos matuklasan ng BSP na mayroong gumagamit ng kanilang logo sa Telegram, Viber at Whatsapp.
Paalala ng BSP, wala itong account sa Telegram, Viber at Whatsapp.
Dapat ding maging mapanuri ang publiko sa mga mensaheng kanilang natatanggap at huwag basta-basta maniwala.
Sinabi ng BSP na hindi ito kailanman magpapadala ng mensahe para hingin ang personal o financial information ng isang indibidwal at lalong hindi mangungulekta ng pera. (DDC)