2 barkong pandigma ng French Navy dadaong sa Manila South Harbor

2 barkong pandigma ng French Navy dadaong sa Manila South Harbor

Inaasahan na magkasabay na dadaong sa Manila South Harbor ang dalawang barkong pandigma ng French Navy na “FNS ALSACE D656”, isang Anti-Submarine Warfare Destroyer at “FNS FORBIN D620”, isang Air Defense Destroye sa Feb. 22, 2025 para sa dalawang araw na courtesy port visit sa bansa.

Bilang paghahanda, nagsagawa ng isang Pre-Arrival Meeting (PAM) para sa mga nabanggit na mga barkong pandigma na pinangunahan ng Port Management Office (PMO) NCR-South at dinaluhan ng mga opisyales ng Embassy of France, Philippine Navy, Bureau of Quarantine, Global Maritime, Asian Terminals, Inc., Manila Bay Harbor Pilots’ Partnership at iba pang mga service providers.

Ito ay para talakayin ang pangangailangan ng mga barko habang ito ay nakadaong sa bansa.

Isang welcome ceremony ang igagawad ng mga sundalo ng Philippine Navy sa pagdating ng dalawang barko ng France.

Ang “FNS ALSACE” ay mayroong lulang 164 na crew, at ang “FNS FORBIN” naman ay may lulan na 220 na crew.
Magkakaroon din ng iba’t-ibang aktibidad ang mga crew nito kasama ang mga sundalo ng Philippine Navy. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *