HVI huli sa P357K na halaga ng shabu sa Taguig City

HVI huli sa P357K na halaga ng shabu sa Taguig City

Dinakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police ang isang high-value drug suspect matapos mahulihan ng P357,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa harapan ng Aguahan 1 Vilage, Barangay Bagumbayan sa lungsod.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Simeon,” 54-anyos, na naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa lugar.

Sa kasagsagan ng operasyon, nakumpiska ang tinatayang 52.5 na gramo ng umano’y shabu, buy-bust money at coin purse na ginamit sa transaksiyon.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Taguig Prosecutor’s Office.

Naninindigan si Southern Police District (SPD) District Director BGen Manuel J. Abrugena sa kanyang pabgakong sugpuin ang ilegal na droga,mabuwag ang criminal networks, at tiyakin ang kaligtasan at seguridaad ng komunidad.

Ang operasyong ito ay nagbigay-diin sa hindi matatawarang pagresolba ng tagapagpatupad ng batas sa walang tigil na paglaban kontra ilegal na droga, nagtataguyod ng mithiing protektahan ang mamamayan mula sa mga abuso at organisadong krimen.

Magsisilbing matinding babala ang tagumpay ng operasyong ito para sa mga sangkot sa mga aktibidad ng ilegal na droga,hindi titigil ang batas at pagkakamit ng hustisya. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *