Taguig cops na nag-viral sa iregularidad na operasyon sinibak ng NCRPO

Hindi magbibigay ng anumang awa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa mga pasaway at tiwaling pulis na mapapatunayang umaabuso sa karapatang pantao at iba pang iregularidad kasama na ang insidente sa Taguig City na nagviral pa sa social media.
“We reiterate: NCRPO does not and will not tolerate any misconduct or abuse of power by any member of the police force. Strict adherence to the police procedures and observance of the rule of law are non-negotiable and any transgression will be dealt with severely,” ayon sa NCRPO.
Nagsasagawa na ng komprehensibo at mabilis imbestigasyon upang matukoy ang tunay na impormasyon sa kaso, mga pulis na nang-abuso ng kanilang tungkulin,nilabag na police procedures at alamin ang mas epektibong mga hakbang upang maiwasan ang ganitong uri ng mga insidente sa hinaharap.
Ayon sa NCRPO ang mga pulis na umabuso ng kanilang otoridad at nakagawa ng mga paglabag sa Police Operational Procedures ay tatanggalin sa serbisyo,ibababa ng ranggo o sususpendihin dependent sa resulta ng imbestigasyon at istriktong ipatutupad ang due process ng batas sa lahat ng sangkot na partido.Kasong kriminal ang isasampa naman base sa koordinasyon ng pribadong complainants.
Kinumpirma ng NCRPO na pansamantalang sinibak sa puwesto ang mga sangkot na pulis kasama ang kanilang immediate supervisor upang bigyang-daan ang impartial investigation.Ang mga baril ng mga sangkot na pulis sa operasyon ay dineposito sa kanilang unit assignments.
“There is no room for abuses in NCRPO and we will ensure that justice will be served,” diin ng NCRPO.
Tiniyak ng NCRPO sa publiko ang kanilang malakas at hindi nakukompromisong pagsunod sa panuntunan ng batas, transparency at propesyunalismo. (Bhelle Gamboa)