Comelec at MMDA nagkasa ng Oplan Baklas

Nagkasa ang Commission on Elections (Comelec) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng “Oplan Baklas” kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa mga tatakbo sa national positions sa May 12, 2025 National and Local Elections.
Magkatuwang ang Comelec at MMDA sa pagbabaklas ng mga election campaign materials na hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan ng komisyon katulad na lamang ng mga maling sukat na poster at hindi pagpapaskil nito sa Comelec-designated at common poster areas.
Kabilang sa mga lugar na sinuyod ng Comelec at MMDA ang mga sumusunod:
1. Honorio Lopez, Tondo, Manila
2. San Juan City (N. Domingo, F. Manalo, at F. Blumentritt)
3. Mandaluyong City
4. Caloocan City (EDSA mula Monumento hanggang Biglang Awa, Biglang Awa hanggang 10th Avenue, Rizal Avenue, C3 Road, at Mabini)
5. Makati City
6. Quezon City (Districts 1B, III at V)
7. Muntinlupa City
8. Pateros
9. Marikina City
10. Taguig City
11. Las Piñas City
12. Parañaque City
13. Malabon City
14. Navotas City
15. Pasig City
16. Pasay City
17. Valenzuela City
Karamihan sa mga tinanggal ay mga tarpaulins, posters, at iba pang election paraphernalias na nakasabit sa mga matataas na poste, puno, at kawad ng kuryente. (Bhelle Gamboa)