Alternatibong bersyon ng dasal na “Aba Ginoong Maria” inaprubahan ng CBCP

Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang alternatibong Filipino version ng dasal na Hail Mary o Aba Ginoong Maria.
Ang dasal na “Aver Maria” ay inaprubahan sa isinagawang plenary assembly ng CBCP kamakailan.
Ayon kay CBCP Secretary General Msgr. Bernardo Pantin, hindi pinalitan ang dating bersyon ng dasal at sa halip ay ginawa lamang mas “accurate” ang rendisyon nito base sa orihinal na Latin text ng dasal.
Mas simple at adaptable din aniya sa panahon ngayon ang alternatibong bersyon ng dasal.
Sa pagbuo ng bersyon, sinunod ang prinsipyo sa biblical accuracy, simplicity, prayerfulness, adaptability to contemporary life at synodality.
Ginawa ng mga obispo ang hakbang kasabay ng pagdiriwang ng Jubilee Year of 2025 ng Simbahang Katolika. (DDC)