Vivencio “Vince” Dizon, itinalaga ng Malakanyang bilang bagong DOTr Secretary

Vivencio “Vince” Dizon, itinalaga ng Malakanyang bilang bagong DOTr Secretary

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr) si Vicencio “Vince” Bringas DIzon.

Sa mensahe ni Executive Sec. Lucas Bersamin na ibinahagi sa media ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez, epektibo ang appointment kay Dizon sa Feb. 21.

Binigya na din ng otorisasyon ng Office of the President si Dizon para umpisahan ang transition sa DOTr sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa team ni Sec. Jaime Bautista.

Si Bautista ay nagbitiw sa pwesto dahil sa problema sa kalusugan.

Isang ekonomista at consultant si Dizon at naging presidente ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *