Lisensya ng rider na nakaligtas sa ‘Superman stunt’ sa Marilaque binawi na ng LTO

Binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng motorcycle rider na nakaligtas sa viral na ‘Superman stunt’ sa Marilaque.
Ito ay makaraang mapatunayang guilty ang rider sa sa pagiging ‘unfit’ sa pag-operate ng motor vehicle dahil sa ginawa niyang deliakdong stunt.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II inilabas ang desisyon base sa mga ebidensya at matapos ding bigyan ng pagkakataon ang rider na si Rico Akmad Buyawan para magpaliwanag.
“The driver’s license that the government is issuing to the motorists is a privilege that comes with a responsibility that those who would get it would observe road safety and be a responsible driver at all times,” sinabi ni Mendoza.
Ang naturang ‘Superman stunt’ ay nagresulta sa pagkasawi ng motovlogger na si John Louie Arguelles habang anim na iba pa na namamahinga lang sa gilid ng kalsada ang nasugatan.
Sangkot sa naturang stunt sina Buayan at Arguelles. (DDC)