NCDA kinondena ang paglaganap ng pekeng PWD IDs

NCDA kinondena ang paglaganap ng pekeng PWD IDs

Kinondena ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang paglaganap at paggamit ng pekeng Persons with Disabilities Identification Cards (PWD IDs).

Ayon sa NCDA ang paglaganap ng pekeng PWD IDs apektado nito ang mga totoong PWDs na lehitimong nangangailangan ng suporta kabilang diskwento sa pagkain, sebisyo at healthcare.

Sinabi ng NCDA na dapat makasuhan at maparasuhan ang mga mapatutunayang guilty osa paggawa, pagpapaklat at paggamit ng pekeng PWD IDs.

Ayon sa NCDA, malinaw itong
falsification of public documents at paglabag sa Data Privacy Act, at perjury.

Hinikayat ng NCDA ang National Government Agencies, Local Government Units (LGUs), at law enforcement authorities na paigtingin ang mga hakbang para matukot ang mga nasa likod ng pamemeke ng PWD IDs.

Nanawagan din ang NCDA sa publiko na i-report agad kung may hinihinala silang sangkot sa paggawa, pamamahagi at paggamit nito.

Maaaring magsumbong sa Philippine National Police (PNP), Persons with Disability Affairs Offices (PDAOs), o sa NCDA email na council@ncda.gov.ph. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *