1,810 kilos na ilegal na droga nai-turn over ng NCRPO-Regional Forensic Unit sa PDEA

1,810 kilos na ilegal na droga nai-turn over ng NCRPO-Regional Forensic Unit sa PDEA

Naninindigan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng liderato ni Acting Regional Director, BGen Anrhony A. Aberin para sa transparency at accountability o pananagutang labanan ang ilegal na droga kasunod ng pagturn-over sa malaking kabuuang nakumpiskang ebidensiya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Trial Courts (RTC) para sa wastong disposal na naaayon sa mandato ng batas.

Ayon sa records mula sa Regional Forensic Unit-NCR (RFU-NCR), umabot sa kabuuang 879,239.43 na gramo ng methamphetamine hydrochloride (shabu) at 930,909.27 gramo ng marijuana ang itinurn-over sa PDEA buhat sa pagbubukas ng District Forensic Units simula noong 1990 hanggang Enero 27, 2025. Tiniriyak ng hakbang na ito na ang ebidensiyang droga na nasa kustodiya ng pulisya ay wastong binibilang at pinipigilan sa anumang posibilidad na gamitin sa ilegal na nagpapatibay sa integridad ng mga operasyon ng mga tagapagpatupad ng batas.

Naiturn-over na ng Northern Police District (activated noong November 16, 1998) ang 46,111.72 gramo ng shabu at 110,942.94 gramo ng marijuana;

Eastern Police District (activated 1995) – 5,381.24 gramo ng shabu at 69,770.90 gramo ng marijuana; Manila Police District (activated noong November 16,1995) – 24,558.46 gramo ng shabu at 289,687.72 gramo ng marijuana; Southern Police District (activated 1992) – 555,709.48 gramo ng shabu at 119,899.03 gramo ng marijuana; at Quezon City Police District (activated 1990) – 247,478.54 gramo ng shabu at 340,608.68 gramo ng marijuana

Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa Presidential Directive No. 2020-186 na may mandato ng gobyerno sa agarang pagsira sa lahat nang nakumpiskang ilegal na droga, at tumatalima sa pamantayan ng Republic Act 9165 at ng Supreme Court para sa tamang paghawak at disposal ng drug-related evidence.

Tiniyak ng NCRPO ang mabilis at transparent na turn-over ng nakumpiskang mga droga na nagtatanggal naman ng anumang espekulasyon ng maling paggamit o recycling. Ang bawat hakbang ng proseso magmula sa pagkumpiska hanggang sa disposal ay metikulusong dinokumento, istriktong minonitor, at nagsagawa ng mahigpit na legal protocols upang isulong ang pananagutan at tiwala ng publiko.

“The proper disposal of seized drug evidence follows strict legal procedures, leaving no room for irregularity. Every stage is fully documented and closely monitored to guarantee accountability. The PNP remains resolute in protecting the people, enforcing the law, and strengthening public confidence,” pahayag ni PBGen Aberin.

Nananatili ang NCRPO sa kanyang mithiin na labanan ang ilegal na droga habang itinataguyod ang pinakamataas na pamantayan ng propesyunalismo, transparency, at serbisyo sa komunidad. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *