PNP chief Marbil itinangging ipinahihinto niya ang operasyon ng SAICT sa EDSA Busway

PNP chief Marbil itinangging ipinahihinto niya ang operasyon ng SAICT sa EDSA Busway

Itinanggi ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil na pinahihinto niya ang operasyon ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa EDSA Busway.

Ang pahayag ni Marbil ay kasynod ng pagharang ng mga tauhan ng SAICT kamakailan sa convoy ng PNP Highway Patrol Group matapos dumaan sa EDSA Busway.

Sinabi ni Marbil na hindi niya kailanman pakikialaman ang mandato ng isang ahensya ng pamahalaan.

Sa video na ibinahagi ng SAICT, isang pulis ang nagsabing dapat itigil ang DOTR-SAICT ang operasyon sa EDSA Busway lalo na kapag rush hour at madaming dumadaan sa EDSA.

Binanggit ng nasabing pulis na matinding puna at banat ang ipinupukol ng netizens sa SAICT.

Ilang beses ding binanggit ng nasabing pulis ang pangalan ng PNP chief. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *