False advertising ng produktong pampaputi na nagtataglay ng nakalalasong “mercury” laganap sa social media

Umapela ang Toxic watchdog na BAN Toxics sa mga content creators at online sellers na ihinto ang promosyon ng ipinagbabawal na skin-lightening beauty products containing na nagtataglay ng mercury.
Sa ginawang social media monitoring ng BAN Toxics natuklasang laganap pa rin na ipinakakalat sa social media ang mga illegal skin-lightening products at ibinebenta ito sa TikTok at Facebook Reels, gayundin sa e-commerce sites gaya ng Lazada at Shopee.
Ayon sa BAN Toxics, karamihan sa mga produktong ito ay nagtataglay ng nakalalasong mercury at may hindi magandang epekto sa kalusugan.
Kamakailan ay nakabili ang grupo ng limampung skin-whitening beauty products online at isinailalim ito sa Vanta C Series XRF Handheld Chemical Analyzer.
Sa nasabing bilang, 44 ang nagpositibo sa mercury.
At 33 sa mga ito ay naisyuhan na ng public health advisories ng Food and Drug Administration (FDA) mula 2013 hanggang 2024 sa taglay nitong mercury.
Ayon sa World Health Organization (WHO), kasa ang mercury sa top ten chemicals na delikado sa kalusugan ng publiko.
“We are dismayed that some content creators and online sellers continue to use social media platforms to advertise and sell prohibited beauty products despite existing chemical regulations in the country,” ayon kay Thony Dizon, Advocacy and Campaign Officer of BAN Toxics.
Ayon sa BAN Toxics, talamak din ang misinformation tungkol sa mga toxic products gamit ang social media.
Sinbi ni Dizon na dahil sa pagtanggal ng Meta sa “fact-checking” labels sa Facebook, laganap tuloy ang misinformation.
Nanawagan din ang BAN Toxics sa regulatory agencies gaya ng Food and Drug Administration at Department of Trade and Industry na agad imbestigahan ang mga social media platforms at online shopping sites na lumalabag sa health and safety regulations at e-commerce laws. (DDC)