Mga Pinoy sa South Korea pinag-iingat sa matinding lamig ng panahon; heavy snowfall mararanasan sa mga susunod na araw

Mga Pinoy sa South Korea pinag-iingat sa matinding lamig ng panahon; heavy snowfall mararanasan sa mga susunod na araw

Pinaalalahanan ang mga Pinoy sa South Korea bunsod ng nararanasang matinding lamig ng panahon doon.

Sa abiso ng Philippine Embassy sa Seoul pinayuhan ang lahat ng Filipino nationals sa South Korea na ingatan ang kanilang kalusugan dahil sa malamig na panahon at snowfall na mararanasan sa mga susunod pang araw.

Ayon sa local weather reports, inaasahan ang pagbagsak ng temperatura at matinding snowfall na may kaakibat na malakas na hangin sa Seoul at mga kalapit na lalawigan.

Pinayuhan ang mga Pinoy na magsuot ng makakapal na damit, gloves, hats, at scarves bilang proteksyon.

Pinapayuhan din silang limitahan ang paglabas lalo na ang mga bata, nakatatanda at mga mayroong health conditions. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *