LTO nasolusyonan na ang backlog ng license plates para sa mga tricycle sa Marikina City

LTO nasolusyonan na ang backlog ng license plates para sa mga tricycle sa Marikina City

Naresolba na ng Land Transportation Office (LTO) at ng local government unit ng Marikina City ang backlog ng plaka ng mga tricycle sa lungsod.

Araw ng Biyernes (Feb. 7), naipamahagi ng LTO ang kabuuang 1,223 na piraso ng yellow plates sa mga tricycle drivers.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, dahil dito, wala nang backlog ng license plates para sa mga registered tricycles sa lungsod.

Pinangunahan nina Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro at Marikina 1st District Rep. Marjorie Ann Teodoro ang pamamahagi ng license plates kasama ang mga opisyal ng LTO.

Nagpasalamat naman si Teodoro kay Mendoza.

Ayon kay Mendoza, sa pamamahagi yellow license plates, matutulungan ang tricycle operators and driver’s associations (TODAs) sa Marikina City para matugunan ang problema sa colorum tricycles. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *