US military aircraft na bumagsak sa Maguindanao del Sur ginagamit sa intelligence, surveillance, at reconnaissance support

US military aircraft na bumagsak sa Maguindanao del Sur ginagamit sa intelligence, surveillance, at reconnaissance support

Kinumpirma ng U.S. Indo-Pacific Command na nasangkot sa aksidente sa Maguindanao del Sur ang kanilang aircraft na kinontrata ng Department of Defense (DND).

Ayon sa pahayag ng U.S. Indo-Pacific Command, naroroon ang aircraft para magsagawa ng intelligence, surveillance, at reconnaissance support base na rin sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas.

Nangyari ang aksidente matapos ang routine mission nito bilang suporta sa U.S.-Philippine security cooperation activities.

Ayon sa U.S. Indo-Pacific Command, walang nakaligtas sa nasabing insidente.

Lulan ng aircraft ang apat na personnel kabilang ang isang U.S. military service member at tatlong defense contractors.

Hindi naman inilabas ang pangalan ng mga nasawi.

Iniimbestigahan na kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng aircraft. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *