4 na babae tiklo sa P102K na halaga ng ilegal na droga sa Makati City

4 na babae tiklo sa P102K na halaga ng ilegal na droga sa Makati City

Sa kulungan ang bagsak ng apat na babaeng suspek matapos matiklo ng mga operatiba ng Makati City Police – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na sinasabing sangkot sa aktibidad ng ilegal na droga na nagresulta ng pagkakumpiska ng P102,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Gomez St., Brgy. Tejeros sa lungsod.

Kinilala ni City Chief of Police, Col. Jean Dela Torre, ang mga suspek na sina alyas “Rula,” 30-anyos; alyas “Tisay,” 25-anyos; alyas “Cheche,” 33-anyos; at alyas “Donna,” 31-anyos.

Ayon sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa koordinasyon ng Sub-Station 1 kung saan matagumpay umanong nakabili ng droga ang police poseur buyer kay alyas Rula na sanhi ng kanyang pagkakaaresto kasama ang tatlong kasabwat.

Narekober sa mga suspek ang 15 na gramo ng umano’y shabu, buy-bust money, sunglasses case, at cellular phone na ginamit sa transaksiyon.

Nasa kustodiya ng pulisya ang apat na naarestong suspek para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa tuluy-tuloy na mga hakbang na katulad nito, naninindigan ang Southern Police District (SPD) sa kanyang misyong labanan ang ilegal na droga, tiyaking mas ligtas ang mga komunidad at lalong malakas na tiwala mula sa publiko.

“These operations highlight our unwavering commitment to eradicating the threat of illegal drugs in every community. Let us continue strengthening our ties with the public and enhancing collaboration with government agencies. With their support, we can safeguard our communities from the dangers of illegal drugs and ensure that those who engage in such activities are held accountable,” pahayag ni SPD District Director, BGen Manuel J. Abrugena. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *