Kargamento na naglalaman ng rare at mamahaling “agarwood” nakumpiska ng BOC sa isang warehouse sa Pasay City

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang isang outbound cargo na natuklasang naglalaman ng rare at mamahaling “agarwood” sa isang warehouse sa Pasay City.
Ayon sa BOC, naglalaman ang kargamento ng isang kilo ng “agarwood” na tinatayang aabot sa P750,000 ang halaga.
Idineklara ang kargamento na naglalaman ng dried wood chips pero nang isailalim sa physical examination nakita na naglalaman ito ng “agarwood” na itinuturing na isa sa mga most valuable at highly sought-after woods sa buong mundo dahil sa mabangong amouy nito, nagagamit bilang traditional medicine, at luxury products.
Ayon sa BOC, ang pag-export ng nasabing produkto ay paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Forestry Reform Code of the Philippines (PD 705), at Wildlife Resources Conservation and Protection Act (RA 9147) dahil ang “agarwood” ay itinuturing nang endangered at protected species.
Dadahil ang nakumpiskang mga kargamento sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
“The BOC will continue to uphold strict enforcement measures against wildlife trafficking, ensuring that our borders are not used for illicit activities that threaten biodiversity and environmental sustainability,” ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio. (DDC)