Maximum suggested retail price para sa sa imported na bigas ibababa sa P55/kl

Maximum suggested retail price para sa sa imported na bigas ibababa sa P55/kl

Ibababa ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price para sa sa imported na bigas sa P55 kada kilo mula sa P58 per kilo.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., epektibo ang mas mababang MSRP sa imported na bigas simula bukas, Feb. 5.

Sinabi ni Tiu na inaasahan ang pagbaba pa ng MSRP sa imported na bigas sa mga susunod na linggo at maaaring umabot sa P50 per kilo sa unang bahagi ng Marso.

Ang pagbaba sa MSRP ng imported rice ay bahagi ng mga hakbang ng DA para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Ayon sa DA, nagkaroon ng pakikipag-usap sa rice industry stakeholders kabilang ang mga importer at retailers para matiyak na ang pagbaba sa presyo ay pakikinabangan ng consumers at hindi maaapektuhan ang suplay ng bigas.

Inaasahan ng DA na makatutulong ito upang makontrol ang food price inflation, lalo na sa presyo ng bigas.

Tiniyak din ng DA na patuloy na babantayan ang bentahan at ang suplay ng bigas sa merkado. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *