100,000 sako ng bigas mula South Korea ipinamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng Typhoon Kristine

100,000 sako ng bigas mula South Korea ipinamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng Typhoon Kristine

Ipinamahagi ng Department of Agricuture (DA) ang 100,000 sako ng bigas na donasyon mula sa Republic of Korea.

Ang nasabing mga bigas ay tulong ng South Korea para sa mga pamilyang naapektuhan ng Typhoon Kristine.

Sa pangunguna ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ipinamahagi ang mga bigas sa mga pamilya sa Laurel, Batangas.

Ang mga donasyong bigas ay bahagi ng 4,000 metric tons na ipinagkaloob sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve’s (APTERR) Tier 3 program.

Ang turnover ceremony ay dinaluhan ni Hon. Lee Sang-Wa, Ambassador of the Republic of Korea in the Philippines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *