Las Piñas City nagbigay ng libreng pneumonia vaccine sa 500 senior citizens sa Almanza Uno

Halos 500 na senior citizens mula sa Barangay Almanza Uno ang nakatanggap ng libreng pneumonia vaccines sa ginanap na vaccination drive ng Las Piñas City Government sa Almanza Uno Covered Court.
Layunin ng inisyatibang ito na protektahan ang mga nakatatandang residente mula sa mga respiratory diseases at palakasin ang kanilang pangkalahatang kalusugan.
Pinangunahan ng City Health Office ang pamamahagi ng bakuna kontra pulmonya upang siguruhing matanggap ng mga senior citizens ang wastong atensiyong medikal.
Bukod sa bakuna, tumanggap rin ang mga seniors ng libreng konsultasyon at mga pamatayan na magbibigay ng kabutihan sa kanilang kalusugan.
Personal namang dinaluhan ni Vice Mayor April Aguilar ang bakunahan upang ipakita ang kanyang suporta at pananagutan para sa kapakanan ng mga senior citizens.
Nagpamalas din ng kanilang suporta ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pag-asiste sa naturang programa.
Patuloy ang pagpaprayoridad ng Las Piñas LGU sa mga inisyatibang pangkalusugan para sa mga senior citizens upang tiyaking madali nilang makukuha ang mahahalagang serbisyong medikal na sumisiguro sa lalong malusog at mas ligtas na komunidad. (Bhelle Gamboa)