OPD, Laboratory and Radiology Unit ng Taguig City General Hospital, binuksan na

Opisyal nang binuksan ng Taguig City General Hospital Outpatient Department (TGH-OPD) ang pintuan nito sa dekalidad na alagang pangkalusugan para sa mga residente.
Matatagpuan sa C6 Road, Barangay Hagonoy, ang TGH-OPD ay isang modernong pasilidad na lalong maghatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa Taguigeños, na unang hakbang tungo sa paglago ng isang full-fledged Level 2 hospital.
Mayroon itong state-of-the-art medical equipment na nag-aalok ng malawak na mga serbisyo sa outpatient, laboratory, at radiology.
Makukuha rito ang libreng outpatient consultations na sumasakop sa mga specialties at subspecialties katylad ng Internal Medicine, Cardiology, Pulmonology, Surgery, Obstetrics & Gynecology, at Pediatrics.
Maliban sa mga konsultasyon, magbibigay ang outpatient department ng specialized procedures kasama ang electrocardiograms (ECG), minor surgery, spirometry, at nebulization. Habang alok naman ng laboratory diagnostics ang hematology, clinical microscopy, microbiology, at clinical chemistry gayundin ang radiology services na kinabibilangan ng diagnostic X-rays, ultrasound, at CT scans.
Para tiyakin ang kalidad na healthcare ay mananatiling makukuha ito ng lahat kung saan iniaalok ng TGH-OPD ang 40% discount sa mga residenteng outpatient ng Taguig, laboratory, at radiology services.Ang mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ay makatatanggap ng extra 20% discount. Sa mga nangangailangan pa ng assistance, available ang Malasakit Center na maghandog ng karagdagang suportang medikal at pinansiyal.
Pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang dedikasyon ng TGH-OPD at ang pagbubukas nito ay sumasalamin sa “Transformative, Lively, and Caring vision” ng Taguig.
Tiniyak ng alkalde sa publiko n ang lungsod ay tuluy-tuloy sa pagbibigay suporta sa operasyon ng Taguig General Hospital at Taguig-Pateros District Hospital.
Bukas ang TGH-OPD ng Lunes hanggang Biyernes mula alas-8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, na naglalayong abutin ang lumalaking pangabgailangan sa alagang pangkalusugan ng mga residente sa lungsod.
Nilinaw ni Mayor Cayetano na ang kasalukuyang pasilidad ay hindi muna tatanggap ng emergency cases dahil kinukumpleto pa ang iba pang departamento ng ospital bago maging available ang mga serbisyong ganito.
May handog din na libreng shuttle services mula sa Vista Mall Parking Building (Camella Road, Barangay Tuktukan) at harapan ng Baymart (Gen. Santos Avenue, Lower Bicutan) araw-araw simula alas-7:30 ng umaga upang tulungan ang mga residente na madaling makapunta sa ospital para sa kanilang konsultasyon at iba pang procedures.
Ang konstruksyon ng outpatient department ay naging posible sa pamamagitan ng pinagsama-samang hakbang ng Taguig LGU, Senador Alan Peter at Sen. Pia Cayetano. Nabatid na pinondohan ito ng lokal na pamahalaan habang inayos naman ng magkapatid na senador ang karagdagang pinansiyal na suporta mula sa Department of Health at ng Department of Public Works and Highways. (Bhelle Gamboa)