Crime rate sa Metro Manila bumaba ayon sa NCRPO

Crime rate sa Metro Manila bumaba ayon sa NCRPO

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na sa patuloy na pagsunod sa kanyang polisiyang Able, Active, and Allied (AAA) ay nagresulta ng 19.61% na pagbaba ng kabuuang bilang na 8 Focus Crimes o Index Crimes simula Enero1-15 ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2024.

Ang tuluy-tuloy na pagbaba ng index crimes ay bunga ng maximized at consistent visibility efforts na naka-angkla sa adhikain ng puwersa ng pulis na tunay na nakikita, naririnig at nararamdaman ng komunidad.

Malaking tulong din ang agresibo at walang tigil na pagsasagawa ng police operations laban sa mga kriminal lalo na sa paglaban kontra illegal drugs, loose firearms, illegal gambling at wanted persons. Ang napapanahong pag-aresto sa mga kaaway ng batas ay mahalagang kontribusyon sa pagbaba ng krimen dahil naiaalis ang mga ito sa lansangan upang mambiktima ng mga indibiduwal maging ang istriktong implementasyon ng mga lokal na ordinansa ay kabilang sa pangunahing dahilan kaya nananatiling bumbaba ang bilang ng mga krimen.

Kabilang sa pinakamalalaking pagbaba ay ang rape cases na bumaba ng 46.49%, habang 37.14% sa physical injuries,28.57% sa homicide, 117.65% sa murder at theft na pangunahin sa 8 Focus Crimes kung saan kinakitaan ng 23.05% na pagbaba.

Sumasalamin ito sa proactive crime prevention measures at sustained efforts ng NCRPO para pigilin ang mga kriminal na aktibidad bago ito mangyayari.

Binigyang-diin ni NCRPO Acting Regional Director, BGen Anthony A. Aberin na mananatiling pangunahing prayoridad ang crime prevention at pinaalalahan din nito ang NCRPO personnel na ipagpatuloy ang pagganap ng kanilang tungkulin ng may kumpiyansa, propesyunalismo at kredibilidad.

“ Let us not rest on this operational milestone but instead, let us aspire more to improve further the peace and security situation in Metro Manila by doing our job of crime prevention and solution exceptionally well, with the help of our security partners and the members of the community,” pahayag ni BGen Aberin.

Upang palakasin ang crime prevention, pakikinabangan ng NCRPO ang teknolohiya na gagamitin sa mas mabilis na pagtugon, tumpak na deployment ng mga tauhan at pinagandang koordinasyon sa mga law enforcement units para tiyaking mas ligtas ang Metro Manila. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *